SBMA naglabas ng ₱204.7-M revenue shares para sa 8 LGU

Philippine Standard Time:

SBMA naglabas ng ₱204.7-M revenue shares para sa 8 LGU

Ipinamahagi ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) ang ₱204.7-milyong bahagi ng kita o revenue shares para sa walong lokal na pamahalaan (LGU) na nakapaligid sa Subic Bay Freeport.

Ang nasabing halaga ay bahagi ng limang porsyento na corporate tax na binayaran ng mga rehistradong negosyo sa Freeport mula Enero hanggang Hunyo 2024. Ang pamamahagi ng mga kita ay pinangunahan ni Atty. Ramon O. Agregado, Senior Deputy Administrator for Support Services, sa ngalan ng SBMA Chairman at Administrator.

Ang kabuuang halaga ng kita para sa unang kalahati ng taon ay bahagyang mas mataas kumpara sa ₱203 milyon na ipinamigay noong parehong panahon ng nakaraang taon.

 

Sa mga LGU na makatatanggap ng pondo, Olongapo City ang may pinakamalaking bahagi na aabot sa ₱47.8 milyon. Ang Subic, Zambales naman ay makatatanggap ng ₱30.7 milyon, San Marcelino ₱24.5 milyon, Castillejos P18.6 milyon, at San Antonio ₱17.4 milyon. Para sa Bataan, ang Dinalupihan ay tatanggap ng ₱25.5 milyon, Hermosa ₱21.9 milyon, at Morong ₱18.1 milyon. Ang alokasyon ng mga pondo ay nakabatay sa populasyon (50%), lawak ng lupa (25%), at pantay na bahagi (25%). Dahil dito, Olongapo City ang tumanggap ng pinakamalaking pondo dahil sa laki ng populasyon nito na umabot sa 206,317 ayon sa census noong 2020. Ang mga revenue shares ay inilalabas dalawang beses sa isang taon—tuwing Agosto para sa unang semestre, at Pebrero para sa ikalawang semestre.

The post SBMA naglabas ng ₱204.7-M revenue shares para sa 8 LGU appeared first on 1Bataan.

Previous Bataan towns join cleanup day

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.
© 2024 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved
Powered by:
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.