Sa kanyang pampitong Oath of Office at huling termino bilang punong-bayan ng Pilar, sinabi ni Mayor Charlie Pizarro na maging tapat sa bayan at gaya ng kanyang nasimulan na, “pagdating sa droga ay walang pakiusapan” dahil nais niyang ituloy ang paglilinis laban sa ilegal na droga sa kanilang bayan.
Binigyang-diin din ni Mayor Charlie, ang dumaraming problema sa mental health kung kaya’t nag usap-usap umano sila ng mga konsehal lalo na ang mga doktor na pag aralan ang mga solusyon, para maiwasan ang problema sa mental health.
Hinikayat din ni Mayor Pizarro ang mga punong barangay na maglinis ng kani-kanilang mga barangay lalo na ngayong tag-ulan gaya ng mga kanal at iba pang daluyan ng tubig para maiwasan ang pagbaha.
At ang magandang balita ayon kay Mayor Charlie, lumalaki na umano ang kanilang local revenue at nais niyang sana ay maramdaman ito ng kanyang mga kababayan sa pamamagitan ng mga makabuluhang programa at proyekto.
The post Mayor Pizarro, pananatilihing crime-free ang Pilar appeared first on 1Bataan.