Sa bayan ng Dinalupihan lamang marahil sa ngayon ang nakapagbigay na ng One-Time- Cash na 5K sa senior citizen na edad na 75-79. Ito ang masayang ibinalita ni Mayor Tong Santos sa lahat ng mga senior citizens na dumalo sa ikatlong taong pagdiriwang ng kanilang Quarterly birthday Celebration assembly.
Ang nasabing quarterly birthday celebration ay assembly ng mga matatanda na nagbirthday o nagbi-birthday sa mga buwan ng Enero, Pebrero at Marso na hinandugan ng LGU ng Dinalupihan ng tila party na may sayawan, kantahan, kainan at siyempre may regalo ang lahat nang dumalo na ginanap ng dalawang araw para sa 12 libong senior citizens sa buong bayan ng Dinalupihan.
Ayon pa kay Mayor Tong Santos malaking tulong sa kanilang mga senior citizens ang 6 na rural health units sa kanilang 46 na barangay, na kumpleto ng staff na mga doctors, nurses, midwives at iba pa, libre rin ang mga seniors sa mga laboratory tests at gamot lalo na ang kanilang mga maintenance medicines.
Ang dating sementeryo ay ipinalinis at tinambakan at hinihintay na lamang ang podomg magmumula kina Cong. Gila at Gov. Joet para gawin itong parke para sa mga senior citizens at talagang mapaganda sa ikalawang quarter ng taong kasalukuyan.
Ayon pa sa mensahe ni Mayor Tong Santos, patuloy niyang kakalingain ang mga matatanda sa kanilang serbisyong may ngiti at walang pinipili.
The post 5K sa mga edad 75-79 sa bayan ng Dinalupihan appeared first on 1Bataan.