Mas naging makabuluhan at masaya ang pagdiriwang ng Nutrition Month 2025 sa Abucay sa pangunguna ni Mayor Erik J. Martel na nagdagdag pa ng personal na pabuya para sa mga kabataang kalahok sa Daycare Dance Contest. Ginanap ang selebrasyon noong Hulyo 17 sa Villa Amanda Resort and Restaurant sa Barangay Capitangan, sa pangangasiwa ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO).
Bitbit ang temang “Sama-Sama sa PPAN 2023–2028 Para sa Lahat! Nutrisyong Sapat, Food at Nutrition Security Maging Priority!”, tampok sa programa ang mga talakayan hinggil sa kahalagahan ng wastong nutrisyon sa maagang yugto ng pag-unlad ng bata. Kabilang sa mga nagsalita sina Mayor Martel at SB Member Roy C. Samson, habang nagbigay-kaalaman sina MSWDO Rosalie B. Cabrera at DOH Nurse Noemi Salandanan.
Ikinatuwa ng mga magulang at guro ang Daycare Dance Contest kung saan itinodo ni Mayor Martel ang suporta sa pamamagitan ng personal na dagdag na cash prizes: ₱3,000 para sa unang gantimpala, ₱2,500 sa ikalawa, ₱2,000 sa ikatlo, at tig-₱1,000 para sa walong consolation prizes. Ipinakita ng Abucay ang tunay na malasakit sa kabataan—isang pamahalaang may puso para sa kinabukasan ng bawat batang Abukeño.The post Abucay, mas pinasaya ang pagdiriwang ng Nutrition Month 2025 appeared first on 1Bataan.