Upang mapaunlad ang pagbibigay nang mahusay na serbisyo sa publiko, nagsagawa ng dalawang araw na executive meeting at workshop ang lokal na Pamahalaan ng bayan ng Orion kasama ang DILG-Bataan nitong nakaraang Hulyo 8-9, 2025.
Pangunahing tinalakay ang NEO PLUS o New Elected Officials Performing Leadership for Uplifting Service, na isang inisyatibo na naka-pokus sa pagpapaunlad ng kakayahan ng mga bagong halal na opisyal na mabigyan nang sapat na kasanayan, kaalaman at mga kasangkapan upang maisagawa nila nang mahusay, responsable at may malasakit ang kanilang tungkulin sa mga mamamayan.
Pinangunahan ni Mayor Tonypep Raymundo, Vice Mayor Rex Fuster, kasama ang mga miembro ng Sangguniang Bayan, mga pinuno ng mga kagawaran sa nasabing bayan gaya ng DILG sa pamumuno nina DILG- Bataan Prov’l Director Belina T. Herman at LGOO Vi Danilyn M. Peña ng DILG-Orion, bilang mga tagapagsalita.
The post NEO PLUS, idinaos sa Orion appeared first on 1Bataan.