Kaugnay sa Pagdiriwang ng National Disaster Preparedness Resilience month, ipinagtagubilin ni Pilar Mayor Charlie Pizarro na magsagawa ang MDRRMO ( Municipal Disaster Risk Reduction Management Office) ng Disaster Preparedness Training para sa mga magulang na benepisyaryo ng 4P’s sa kanilang bayan, upang mabigyan sila ng tamang kaalaman at kahandaan kapag sumasapit ang mga kalamidad at sakuna para sa kaligtasan ng kanilang pamilya.
Sa training ay malinaw na tinalakay ng mga tagapagsalita ang mga panganib tulad ng baha, lindol, bagyo, landslide at maging mga community-based early warning system para agad ay alam na nila ang gagawing paghahanda.
Kasama ring ipinaliwanag ang isinusulong na E-balde bilang paghahanda kapag may sunog at ang kanilang prinsipyo na, “DAPAT may alam, DAPAT mabilis at DAPAT handang-handa”
Naniniwala si Mayor Charlie Pizarro na malaking tulong ang mga magulang bilang lider at tagapagligtas ng bawat pamilya at buong komunidad.The post Mga magulang sa 4P’s, sinanay sa disaster preparedness appeared first on 1Bataan.